
I-vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang nakapaloob na probisyon sa 2021 national budget na layong pahintulutan ang mga ahensya ng pamahalaan na gamitin ng direkta ang kanilang income, pahayag ng Malacañang noong Martes.
Ang lahat ng income ng mga ahensya ay kailangang ilagay sa “general fund of the national government, unless otherwise authorized by a separate substantive law,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Iyong mga probisyon ng budget bill na nagsasabi na puwedeng gastusin ng ilang ahensya ang kanilang income, iyan po ang na-subject sa direct veto,” wika ni Roque sa isang online press briefing.