Duterte, pinirmahan na ang 2021 national budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula kay: Sen. Bong Go

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang ₱4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Pinirmahan ni Duterte ang spending plan bilang Republic Act No. 11518 sa isang ginanap na seremonya sa Malacañang. Piling mga miyembro mula sa Senado at Kamara ang dumalo sa nasabing event.

Bagama’t hindi inanunsyo sa signing, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na ilang mga items sa badyet na na-veto at inaanunsyo ang mga ito bukas.

Ang nangungunang 10 ahensyang makatatanggap ng pinakamataas na alokasyon sa ilalim ng 2021 national budget ay ang mga sumusunod: Education (Department of Education, SUCs, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority); Department of Public Works and Highways; Department of Interior and Local Government; Health (Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at vaccine procurement); Department of National Defense; Department of Social Welfare and Development; Department of Transportation; Department of Agriculture; Judiciary; at Department of Labor and Employment.

Itinuturing ang 2021 badyet bilang recovery budget dahil sa paglalaan ng karagdagang pondo para sa Covid-19 response kung saan mayroong ₱72.5-bilyong allotment para sa pagbili ng mga bakuna.

Subalit, ₱2.5 bilyon lamang ang available cash, at ang malaking bahagi nito ay mula naman sa loans.

Naglaan din ng ₱283 milyon para sa pagtatayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines na mangunguna sa mga pag-aaral tungkol sa mga viruses, at ₱51.56 milyon naman para sa disease surveillance at monitoring ng coronavirus.

LATEST

LATEST

TRENDING