PRRD, tuluyang wawakasan ang VFA kung ‘di makapagbibigay ng Covid-19 vaccine ang US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang pagwawakas sa Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi makapagbibigay ang pamahalaan ng Estados Unidos ng hindi bababa sa 20 milyong bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas.

Sa kanyang pakikipagpulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Sabado, sinabi ng pangulo na nais niyang palayasin ang mga sundalong Amerikano sa bansa kung hindi makapagbibigay ng bakuna ang US.

Aniya, “Yung Visiting Forces Agreement, matatapos na. Ngayon, pag hindi ako pumayag, aalis talaga sila.” 

Sinuspinde ng gobyerno ang abrogasyon ng VFA noong Hunyo na magtatagal hanggang Disyembre.

Subalit, maaari pa itong palawigin ng anim na buwan, batay sa isang diplomatic note na ibinahagi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr.

“Kung hindi sila maka deliver maski a minimum of mga 20 million vaccines, they better get out. No vaccine, no stay here,” wika ni Duterte noong Sabado.

Unang kinumpirma ni Locsin na ipinangako aniya ni US Secretary of State Mike Pompeo na tutulungan nito ang Pilipinas na makakuha ng bakuna kontra Covid-19 mula sa Pfizer.

LATEST

LATEST

TRENDING