‘Bato’, nais i-ban habangbuhay sa serbisyo ang mga na-dismss na pulis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa isang virtual briefing noong Sabado na ang mga pulis na na-dismiss dahil sa grave offenses ay hindi na dapat makapagsuot ng tsapa kahit kailan.

Aniya, “‘Pag na-dismiss ka, dapat wala nang appeal-appeal. Hindi na dapat makabalik-serbisyo yan.”

Ipinaliwanag ng dating Philippine National Police chief na ito dapat ang maging patakaran para sa mga pulis na na-dismss dahil sa grave offenses tulad ng murder, drug trafficking, recycling of illegal drugs, kidnapping for ransom, at robbery holdup.

Ibinahagi rin ni ‘Bato’ ang kanyang karanasan sa mga pasaway na pulis habang nakaupo bilang PNP Chief.

“Sabi nila, hintayin na lang natin na mag-retire si Bato. Pag-retire ni Bato, lalamig yang sitwasyon natin at mag-appeal tayo,” ani Dela Rosa.

Dagdag pa nito, “Magtataka ka: bakit ganon ka-bigat ang atraso nila, nakabalik sila sa serbisyo? Makita mo ngayon nandiyan, naka-uniporme na naman.”

Sinabi ng senador na uutusan niya ang kanyang legislative staff para tingnan ang isyu nang sa gayon ay makapaghain ito ng rekomendasyon upang malutas ang problema.

Muling umalingawgaw sa balita ang Philippine National Police nang pagbabarilin sa ulo ng isang pulis ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac kamakailan.

Ang salaring si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ay kasalukuyang nahaharap sa dalawang counts ng murder dahil sa pamamamaslang sa 52-anyos na si Sonya Gregorio at sa kanyang 25-anyos na anak na si Frank Anthony Gregorio.

LATEST

LATEST