Duterte, hinamon si Zarate na makipagkita at gawing ‘bodyguard’ nito si Trillanes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang isang mambabatas mula sa oposisyon na makipagkita sa kanya nang harap-harapan, ilang araw matapos sabihin ng kongresistang isang “relief” ang naging findings ng International Criminal Court na posibleng nagsagawa ng crimes against humanity ang Duterte administration.

Unang inihayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na: “with the recently intensified red-tagging, arrests and extra-judicial killings of critics of the administration and the political opposition, we are relieved that the ICC has voiced its concern on the issue.”

“To the violators of human rights, you have been forewarned. Nothing is forever; not even impunity,” dagdag pa nito.

Dahil dito, hinamon ni Duterte si Zarate na “patunayang lalake” ito at makipagkita sa kanya.

Aniya, “Gusto mo sa bahay niyo. Ako mag-akyat sa bahay niyo, san dito sa Maynila o san ka nakatira? Mag-usap tayo, ‘wag na ‘yang NPA, NPA, komunista, komunista. Lalaki sa lalaki.”

“Kung lalaki ka talaga, tanggapin mo hamon ko. San mo gusto tayong magkita?” dagdag pa ng pangulo.

Sinabi naman ni Zarate na siya ay “always ready and willing to talk” kung ito ay makabubuti sa taumbayan.

Sa kanyang speech, binanggit din ni Duterte na puwedeng gawing bodyguard ni Zarate si dating senador Antonio Trillanes IV.

“Sige ako lang mag-isa, dalawa kayo. Totoo ‘yan. Paalaminin niyo ‘yung media kung saan,” giit ng pangulo.

Inakusahan ni Duterte ang mga progresibong pangkat sa Kongreso, na kinabibilangan ni Zarate bilang mga legal fronts umano ng mga komunista.

“Walang patutunguhan if you will just papatulan mo ‘yong gano’ng mga patutsada dahil it will only divert the issue,” ayon naman kay Zarate.

LATEST

LATEST

TRENDING