Pacquiao, ayaw munang pag-usapan ang plano nito para sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Manny Pacquiao

Inihayag ni Sen. Manny Pacquiao noong Lunes na hindi pa oras para pag-usapan ang pulitika kasabay nang pag-iwas sa mga katanungang may kinalaman sa kanyang posibleng pagtakbo sa 2022 presidential elections.

Umalingawngaw ang mga plano ng senador sa pulitika matapos itong maluklok bilang national president ng PDP-Laban party, ang kinabibilangang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilunsad din kamakailan ni Pacquiao ang PacPay, isang online payment platform na layong pagaanin ang cross-border transactions, lalo na para sa mga overseas Filipino workers.

“Magiging hypocrite naman ako kung hindi natin, walang admission dyan. Pero sinasabi ko nga, ayoko munang ilagay yung politics sa isipan ko dahil in that way, hindi ka makakagawa dun sa dapat mong tulungan, dapat mong ma-achieve until the day of election,” paglilinaw ni Pacquiao.

Ayon sa senador, isang anointment mula sa Diyos ang bagay na makapag-uudyok sa kanyang tumakbo bilang pangulo. Ito ay bagama’t sinabi ni Duterte noong 2017 na nais niyang maging susunod na pangulo ng bansa si Pacquiao.

Samantala, binanggit naman ni Pacquiao na ang kanyang PacPay platform ay matagal nang pinlano, subalit naapektuhan ng Covid-19 pandemic ang rollout nito.

Bilang pangulo ng PDP-Laban, sinabi nitong nais niyang magsagawa ng seminars para sa mga miyembro ng partido upang bigyan sila ng edukasyon hinggil sa kahalagahan ng political parties at mabawasan ang pangingibang bakod tuwing halalan.

LATEST

LATEST