Quarantine protocols para sa Enero 2021, inaanunsyo sa susunod na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Edd Gumban (The Philippine STAR)

Iaanunsyo sa susunod na linggo ang quarantine classifications na iiral sa Enero 2021 – ang ika-10 na buwan ng bansa sa ilalim ng Covid-19 protocols, pahayag ng Malacañang.

Sinabi noong Lunes ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nagsisilbi ring spokesperson ng coronavirus task force, na hindi magpapatupad ng lockdown ang pamahalaan matapos umalingawngaw online ang usapin tungkol dito.

“Obvious na walang katotohanan na ang Metro Manila ay mapapasailalim sa modified enhanced community quarantine,” ani Roque, habang nilinaw na peke ang forwarded messages at isang dokumento na galing ‘di umano sa Philippine National Police (PNP).

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine simula Hunyo, at magtatagal hanggang Disyembre 31.

Makikipagpulong naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa susunod na linggo upang pag-usapan ang mga irerekomendang quarantine protocols para sa buong bansa.

Kasalukuyang umiiral ang GCQ sa Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, Davao City, Davao del Norte, at Isabela province hanggang dulo ng taon. Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay nasa pinakamagaang uri ng quarantine.

LATEST

LATEST

TRENDING