Duque, itinanggi ang kurapsyon sa Pfizer Covid-19 vaccine deal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Secretary Francisco Duque III

Tinanggihan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Biyernes ang pagkakasangkot nito sa kurapsyon sa umano’y naunsyaming kasunduan sa Pfizer para sa pagbili ng 10 milyong Covid-19 vaccine doses, bagama’t nagbabala ang mga senador na posibleng maharap sa kaso ang Department of Health (DOH) dahil sa delayed transaction.

“I think it’s really tragic, and to an extent criminal on their (DOH) part for having missed the chance of acquiring 10 million vaccines,” sabi ni Senadora Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, sa The Source ng CNN Philippines noong Biyernes.

Dagdag pa ni Poe, “We are already getting the 10 million supposedly in January, but because again, ‘yung leadership ng DOH urong sulong, hindi makagawa ng desisyon at hindi makapagbigay ng tamang rekomendasyon, we missed it.”

Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson noong Miyerkules na si Duque ang “naglaglag ng bola” sa negosasyon sa Pfizer na pinangunahan nina Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez at Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. ilang buwan na ang nakakaraan.

Hindi umano napirmahan ni Duque sa oras ang confidential disclosure agreement, na nakaapekto sa kasunduan. Subalit, iginiit ng kalihim na walang 10 milyong doses na pinag-uusapan sa kanyang pagkakaalam, sapagkat ang mga papeles umano na nakarating sa kanyang tanggapan ay puro mga “generalities” lamang na naglalarawan sa unang mga hakbang ng supply negotiations.

Pinuna naman ni Sen. Francis Pangilinan ang umano’y kapabayaan ng DOH sa Pfizer deal.

“If it can be established that there was inexcusable failure to act that has led to injury either to the government or any party then Section 3e of the Anti-Graft Law will apply,” pahayag ng senador, kasabay pagkuwestyon kung ang dahilan ng delay ay dahil sa panghihingi ng mga opisyal ng “kickvacc” o komisyon mula sa kasunduan.

Itinanggi naman ito ni ​Duque.

Aniya, “Unang-una, hindi pwede magkaroon ng corruption dito because the President really abhors corruption. He will be the one to jail you himself if you are corrupt. He has already yanked out several of his Cabinet members,” Duque said. “Wala iyan, walang kickback ‘yan.”

Dahil sa pangyayari, inaasahang matatanggap ng Pilipinas ang suplay mula sa Pfizer at sa German partner nitong BioNTech sa ikalawang quarter pa ng 2021.

Ayon naman kay Romualdez, ang kasunod na delivery date ay sa Hunyo 2021 pa, o kalahagting taon mula ngayon at sa kalahating bilang lamang ng deal na limang milyong doses.

Para kay Poe, nakakagalit ito.

“The chance to get that was given to Singapore because they could act decisively and we can’t. How many lives would be lost because of that lost opportunity of having the 10 million vaccines in January?” tugon ng senadora.

“People are already fatigued about all of these quarantine requirements and restrictions, the economy is already suffering for it.”

“What’s how many billions (of pesos) to save the health of hundreds (of people) and to save our ailing economy?” dagdag pa nito.

Paulit-ulit nang ipinanawagan ng mga senador ang resignasyon ni Duque sa gitna ng pandemiya, kasabay paggiit ni Poe na ang panawagang ito ay patuloy na uulit-ulitin.

LATEST

LATEST

TRENDING