Pilipinas, panghuli sa ilang karatig-bansa sa Southeast Asia pagdating sa vaccine procurement

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Habang nagsisisihan ang mga opisyal sa kung sino ang “naglaglag ng bola”  ukol sa naunsyaming vaccine procurement deal sa Pfizer, ang ibang mga bansa sa Southeast Asia ay nakatatanggap na ng batches ng orders mula sa ilang malakaing pharmaceutical companies para mabakunahan ang kanilang mga mamamayan pagkatapos makakuha ng local regulatory approvals. 

Sinabi naman ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr noong nakaraang linggo na posibleng dumating ang bakuna kontra Covid-19 mula sa Sinovac ng China sa Marso 2021 – kung mapirmahan na ang kontrata ngayong buwan.

Ang mga Western-made vaccines tulad ng Pfizer, Moderna, at AstraZeneca ay maaaring dumating nang mas matagal pa, dagdag ni Galvez, sapagkat bibigyang prayoridad muna ang kani-kanilang mga bansa at “mahigit 80 percent ng vaccine vaccine manufacturing capacity ay na-procure” na ng first world countries.

Subalit, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson noong Martes na ang isang negosasyon sana ng bansa sa Pfizer – na maaring nauwi sa pagdating ng mga bakuna sa Enero 2021 – ay na-itsapwera dahil umano sa “indifference” ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ang kasunduan para sa pag-secure ng 10 milyong doses ng Pfizer vaccine ay pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Philippine envoy to US Jose Manuel Romualdez noon pang Hulyo.

Subalit, napunta ang supplies sa Singapore dahil umano sa kapabayaan ni Duque.

Itinanggi naman ito ng kalihim at sinabing “ongoing” ang negosasyon.

Inaprubahan na ng Singapore ang Pfizer coronavirus vaccine, at inaasahan ng mga eksperto na darating ang unang shipments sa bansa sa dulo ng Disyembre, ayon sa kanilang prime minister noong Lunes.

Noong nakaraang linggo, nakatanggap na ang Indonesia ng 1.2 milyong doses ng Sinovac vaccine galing China, kasama ang karagdagang 1.8 milyong darating sa susunod na buwan.

Inanunsyo naman ng Malaysia noong nakaraang buwan na sumang-ayon ito sa pagbili ng 12.8 milyong doses ng Covid-19 vaccine ng Pfizer. Ide-deliver ng kumpanya ang unang isang milyong doses sa unang quarter ng 2021, at mayroon namang 1.7 milyon, 5.8 milyon, at 4.3 milyong doses na darating naman sa mga susunod na quarters.

Noong nakaraang buwan, naglagda naman ang Thailand ng purchase agreement para sa potential Covid-19 vaccine ng AstreZeneca. Unang inaprubahan ng Gabinete ng Thailand ang budget na $198 milyon para sa pagbili ng 26 milyong doses ng bakuna para sa 13 milyong katao.

Samantala, inumpisahan naman ng Vietnam ang trial ng locally-developed Covid-19 vaccine nito noong Huwebes, ayon sa lokal na media. Ang kabuuang tally ng Covid-19 cases nito ay mahigit 1,400 lamang at nagpatuloy ito nang dalawang buwan na walang community transmission.

Sa Pilipinas, sinabi ng Food and Drug Administration na hindi pa ito nakatatanggap ng emergency use applications mula sa kahit anumang vaccine developers.

LATEST

LATEST

TRENDING