Duterte, umapela sa publiko na manatili sa mga tahanan ngayong Kapaskuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Edd Gumban (The Philippine STAR)

Umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na huwag umalis ng tahanan ngayong panahon ng Kapaskuhan, kabilang na ang pagbili ng mga regalo, habang nagbabadya ang poisbleng pag-akyat ng Covid-19 cases sa susunod na buwan.

Noong Miyerkules, ikinadismaya ni Duterte ang umano’y kawalan ng physical distancing habang dumadagsa ang mga mamimili sa mga pamilihan, tulad ng Divisoria, bagama’t nagbabala na ang mga awtoridad sa posibleng spike sa infections.

Aniya, “Sabihin mo bakit walang katapusan? Tignan mo naman ang tao.”

“Tignan mo sa TV, fini-feature nila ang tao sa Divisoria napakarami,” dagdag pa ni Duterte.

“‘Wag muna ngayon. There will always be a time,” pagbibigay diin ng pangulo.

“Kalma muna. Tutal marami pa namang Pasko eh.”

Hinikayat ng mga awtoridad at eksperto ang taumbayan na gawin na lamang online ang kanilang shopping sa halip na umalis pa ng tahanan.

Paulit-ulit ding hindi inirerekomenda ng gobyerno ang paglahok sa mga pagtitipon ngayong panahon ng Kapaskuhan, lalo na’t ang “social mixing” sa mga kabahayan ay nauwi sa ikalawang alon ng mga kaso sa Europa at North America.

LATEST

LATEST

TRENDING