Duterte, inaasahang pipirmahan ang 2021 badyet bago mag-Pasko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ng Malacañang na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ₱4.5 trilyong badyet para sa 2021 bago mag-Pasko, kahit hindi pa nito natatanggap ang pinal na bersyon ng bill mula sa Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may ideya ang mga opisyal ng Palasyo kung aling probisyon ang kinakailangang i-review o i-veto sa pamamagitan ni Budget Secretary Wendel Avisado, na nagsabing may advance copy siya ng panukalang badyet.

“Maski hindi pa formally submitted ay napag-aralan na at medyo alam na ng DBM kung ano ‘yung mga line items na posibleng i-veto ng Presidente,” ani Roque noong Martes.

Dagdag pa nito, “Inaasahan pa rin natin na mapipirmahan ang budget para maging epektibo sa a-uno ng Enero… We are even planning a ceremonial signing of the budget before Christmas.”

Tulad ng iba pang mga batas, ang badyet ay dapat suriin ni Duterte at ng kanyang mga kasama bago ito tuluyang isabatas. Maaari niyang apruabahan ang buong panukala. I-veto ang ilang probisyon, o hayaang maging batas pagkalipas ng 30 araw.

Niratipikakahan ng Kongreso ang budget bill noong nakaraang linggo, isang landmark spending plan na naglalaman ng pondo para sa Covid-19 response at vaccine funding.

₱72.5 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng bakuna, kung saan ₱70 bilyon ang popondohan sa pamamagitan ng loans o sobra ng revenue collections.

Maglalaan din ito ng ₱1.1 trilyon para sa infrastructure projects, na layong lumikha ng mga trabaho at palakasin ang ekonomiya matapos itong bumagsak sa resesyon.

LATEST

LATEST

TRENDING