Roque: China, ‘malabong’ gamitin ang Covid-19 vaccine para i-pressure ang PH tungkol sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Iginiit ng Malacañang na malabong gamitin ng China ang bakuna kontra Covid-19 upang i-pressure ang Pilipinas hinggil sa hidwaan sa West Philippine Sea, baliktad sa paniniwala ng isang think tank.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,  maraming pagkakatulad sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China sa pag-uugali at malapit na magkabigan din aniya ang dalawang lider.

Kaya naman “almost nil” o malabo na gagamitin ng China ang Covid-19 vaccine upang i-pressure ag Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na ang inaalok na homegrown labs ng Beijing sa mga bansang mahihirap ay kabahagi ng kampanya ng China upang mapalakas ang katayuan nito sa mundo at makuha ang tiwala ng mga tao.

Nais umano ng China na maging available ang Covid-19 vaccine para sa global public goods, lalo na sa malalapit nitong kaalyado.

Siniguro naman ng ambassador na hindi kailanman ginamit ng China ang bakuna bilang kondisyon sa pulitika.

Inaasahang isasapinal ang pag-uusap hinggil sa vaccine supply deal mula Sinovac Biotech ng China ngayong linggo.

LATEST

LATEST