PRRD at Galvez, tinuligsa ang isang eksperto dahil sa pagkwestyon sa pagkiling ng gobyerno sa China vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte, DOH Secretary Francisco Duque III, at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.

Ang health reform advocate at dating Covid-19 task force adviser na si Dr. Tony Leachon ang huling personalidad na umani ng pambabatikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, giit ng Malacañang noong Lunes.

Si Leachon, na bumalik sa full private practice noong Hunyo matapos ang maikling panunungkulan bilang special adviser to the National Task Force on Covid-19, ay di umano’y paulit-ulit na binabatikos ng pangulo sa kanyang mga hindi iniereng pahayag mula sa kanyang lingguhang public address, wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Unti-unting nagalit si Duterte kay Leachon, na paulit-ulit na kinuwestyon ang pagkiling ng pamahalaan para sa mga bakunang gawa ng China tulad ng Sinovac Biotech bagama’t may agam-agam hinggil sa pagiging epektibo nito at pagkakasangkot sa mga alegasyon ng bribery.

“We need to review efficacy and safety data. This is must. I’m raising a red flag,” ani Leachon nitong weekend matapos inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ang CoronaVac vaccine ng Sinovac ang unang idi-distribute sa Pilipinas.

Samantala, matagal na umanong hindi natutuwa si Duterte sa mga pamumuna ni Leachon dahil pamumulitika lamang aniya ang habol nito.

Apparently, Duterte has long been offended by Leachon’s vigilance, alleging it was politically-motivated.

“Tatapatin ko na po si Dr. Leachon: Nae-edit lang po sa mga Talk to the People, pero andaming beses na po kayong namura ng Presidente kasi ang sabi niya, kung ano-ano ang sinasabi mo, ‘yun pala nagnanais ka lang ng posisyon sa gobyerno,” sabi ni Roque.

Kinundena rin ni Galvez ang mga naging pahayag ni Leachon. Matatandaang ni-recruit ni Galvez, isang retired military chief at national task force chief policy implementer, si Leachon bilang adviser habang nasa kasagsagan ng Covid-19 outbreak.

Aniya, “Si Leachon, dati naming NTF adviser eh… Talagang very questionable. Nagsama po kami, mahirap siyang kasama –– may sariling mundo.”

Noong Hunyo, inanunsyo ni Leachon ang kanyang pagbibitiw mula sa task force matapos nitong ibunyag ang mga pagkukulang sa Covid-19 response ng pamahalaan – bagay na ikinasama umano ng loob ni Roque at ni task force spokesman Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Galvez, sinira ni Leachon ang komunikasyon ng inter-agency at national task forces, na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig.

Sa kanyang tweet noong Lunes, sinabi ni Leachon na ang kanyang mga pahayag ay para lamang tulungan ang gobyerno para mag-procure ng “tamang bakuna.”

“It’s painful to be accused of something which is baseless and untrue. I have been an independent health reform advocate for many years. I have the highest respect for our President and the government,”sabi ni Leachon, kasabay pagtangging nagnanais siya ng political appointment noon.

Samantala, dinipensahan naman ni Galvez noong Lunes ang pagkiling ng bansa sa Sinovac, dahil mayroon na aniyang advanced discussions na mag-procure nang hanggang 25 milyong vaccine doses na nais nilang ipa-deliver sa Marso 2021, isang buwang mas maaga sa naging commitment ng Chinese firm.

Tinanggihan din ni Galvez na delayed ang vaccine procurement ng bansa, sapagkat na corner na umano ng mayayamang bansa ang 80% ng vaccine supply ng mundo.

“Hindi siya late kasi nakikita natin na ‘yung delivery ng vaccines is not only dependent on the procurement process. It is dependent on the global supply chain,” paliwanag ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING