Pagsusuot ng face shields bukod sa face masks, mandatoryo na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Robert Oswald P. Alfiler (PNA)

Ginawa nang mandatoryo ng pamahalaan para sa mga lumalabas ng kani-kanilang mga tahanan ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask, giit ni task force spokesperson Harry Roque noong Martes.

Sa isang media briefing, sinabi ni Roque na ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsusuot ng face masks at face shields upang “epektibong mabawasan ang transmisyon ng Covid-19.”

Noon, required lamang ang face shield kapag sumasakay ng pampublikong transportasyon o kapag pumapasok ng mall.

Samantala, nilinaw ni Roque na dapat magsuot ng buong face shield, na sumasaklaw sa buong mukha ng tao. Ang anumang hindi sasakto rito ay ipinagbabawal.

Ang bagong kautusan ay kasabay nang paghahanda ng bansa para sa posibleng pag-akyat ng Covid-19 cases sa panahon ng Kapaskuhan, habang mas maraming tao ang lumalabas para mag-shopping o makipagkita sa mga kamag-anak at kaibigan matapos ang ilang buwang pag-iral ng mahigpit na quarantine protocols.

LATEST

LATEST

TRENDING