Malawakang info campaign tungkol sa side effects ng Covid-19 vaccine, dapat ipatupad: Leachon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dr. Anthony “Tony” Leachon

Kinakailangan aniyang paghandaan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng isang strategic communication campaign hinggil sa mga side effects ng bakuna kontra Covid-19 bago umarangkada ang mass vaccination.

Iginiit ng health education at reform advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, na inaasahan na ang side effects ng bakuna tulad ng allergic reactions subalit dapat itong ipagbigay-alam nang maayos sa publiko upang mabatid ng mga ito ang benepisyo at panganib para sa kanilang kalusugan.

Inihayag ito ni Leachon matapos magbabala ang United Kingdom (UK) sa mga mamayan nitong may kasaysayan ng seryosong allergic reactions na huwag magpaturok ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech matapos maiulat na nagkaroon ng malubhang reactions ang ilang pasyente sa unang araw ng mass immunization.

Gayunpaman, sinabi naman ng ekspertong si Dr. Marysia Recto na hindi dapat matakot ang publiko sa pagbabakuna bagama’t may mga ganitong balita.

Ayon naman kay Leachon, dapat nang ilunsad ng gobyerno ang communication plan habang hindi pa dumarating ang mga bakuna ngayong nasa 66 percent lamang ang acceptance rate ng bansa para sa pagbabakuna.

Siniguro naman ng Food and Drug Administration (FDA) na dekalidad, epektibo, at ligtas ang mga bakuna kontra Covid-19 na ipamamahagi sa mga Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING