Malacañang, pinayagan ang balik-operasyon ng provincial buses sa point-to-point routes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang pagbabalik-operasyon ng provincial buses sa point-to-point routes, pahayag ng Malacañang noong Martes, habang sinisikap ng mga awtoridad ang pagbubukas ng ekonomiya na malubhang naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Sa ginanap na pagpupulong ng Gabinete noong Lunes, pinahintulutan ng inter-agency task force against Covid-19 ang pagbabalik-operasyyon ng mga provincial buses sa point-to-point routes na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng local government unit ng destinasyong lugar, kabilang ang stop-over/transit terminals.

“Point-to-point provincial buses shall be allowed unhampered passage through the different LGUs en route to the LGU of destination,” pahayag ng task force.

“Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,” dagdag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press briefing.

Sinuspinde ng mga awtoridad noong Marso ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon. Kamakailan ay pinaluwag naman ng Gabinete ang paghihigpit sa transportasyon, kasabay nang muling pagbubukas ng ekonomiya na bumagsak bunsod ng ilang buwang lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING