Bakuna kontra Covid-19 ng GSK at Sanofi Pasteur, maaantala hanggang dulo ng 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Francois Lo Presti/AFP/Getty Images

Inanunsyo ng British at French pharmaceutical companies na GlaxoSmithKline at Sanofi Pasteur noong Biyernes na ang kanilang Covid-19 vaccine ay made-delay nang hanggang dulo ng 2021 matapos magpakita ang kanilang interim results ng “insufficient immune response” para sa matatanda.

“Insufficient response in older adults demonstrates the need to refine the concentration of antigen in order to provide high-level immune response across all age groups,” pahayag ng joint press release na inilabas sa kanilang mga websites.

Ayon kay Thomas Triomphe, pinuno ng Sanofi Pasteur, “dismayado ang mga kumpanya hinggil sa anunsyo ng delay”.

“No single pharma company can make it alone; the world needs more than one vaccine to fight the pandemic,” dagdag pa ni Triomphe.

Sinabi naman ni Roger Connor, pangulo ng GSK Vaccines na: “The results of the study are not as we hoped.”

Inihayag ng dalawang kumpanya na nagbabalak na sila ng panibagong phase 2b study kabilang ang isang improved antigen formulation sa Pebrero 2021, na maaaring sundan ng global phase 3 study na mag-posibleng mag-umpisa sa Q2 2021. Ang phase 3 studies ay inisyal na itinakda ngayong buwan.

Ayon sa GSK at Sanofi, ang positibong resulta mula sa phases na ito ma mauuwi sa “regulatory submissions in the second half of 2021, hence delaying the vaccine’s potential availability from mid-2021 to Q4 2021.”

Iginiit din ng dalawang kumpanya na nagbigay na sila ng updates sa mga pamahalaan at sa European Commission tungkol sa delay.

Nitong summer, nakatanggap ng commitment ang dalawang kumpanya mula sa pamahalaan ng Amerika na nangakong magbabayad ng $2.1 bilyon upang makatulong sa pagde-develop ng Covid-19 vaccine, bilang kabahagi ng Operation Warp Speed.

LATEST

LATEST

TRENDING