Roque: Investors, baka “ma-turn off” kapag palaging magsususpinde ng business permits

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Facebook account ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian

Matapos ipasuspinde ng Valenzuela City ang business permit ng North Luzon Expressway Corporation sa lungsod, nagbabala ang Malacañang na posible umanong mawalan ng interes ang mga investors kung mauulit ang ganitong pangyayari.

“Hindi naman po natin pupwede ipagkait sa mga lokal na pamahalaan yung kanilang hurisdiksyon na mag-issue ng business permits,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online briefing.

“But at the same time, kinakailangan din nilang isipin na babalansehin natin ‘to dahil yung mga proyekto na gaya ng expressways na dinevelop po ng pribadong sektor eh baka mamaya eh ma-turn off mga future investors kung palaging mangyayari ito,” paliwanag nito.

Naghain ng suspension order noong Lunes si Valenzuala Mayor Rex Gatchalian sa NLEX Corporation matapos hindi maayos ng kumpanya sa oras ang mga sira nitong RFID sensors sa tollways, na nagdulot ng matinding trapiko sa lungsod. Dahil dito, hindi makakapangolekta ng toll fees ang kumpanya sa expressway gates.

Inulit din ni Roque ang tindig ng Toll Regulatory Board tungkol sa isyu. Dapat umanong palitan ng tollway operators ang mga luma at depektibong sensors upang maiwasan ang matinding paninikip sa daloy ng trapiko.

Dapat din umanong i-relocate at i-reposition ang Radio-Frequency Identification (RFID) installation at reloading lanes.

LATEST

LATEST

TRENDING