Palasyo, kumpiyansang hindi masasangkot sa bribery ang mga opisyal ng FDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Habang patuloy na nababalot ang Sinovac Biotech ng mga nakaraang akusasyon ng bribery, naniniwala ang Malacañang na hindi masasangkot ang regulatory officials ng bansa sa kaparehong mga kontrobersya sa Chinese drugmaker.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes na tiwala at kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte kay Food and Drug Administration (FDA). Ibibigay ng ahensya ang pinal na approval kung maaari bang makapagsagawa ang Sinovac ng clinical trials sa Pilipinas, at kung mabibigyan ng authorization for emergency use ang unregistered Covid-19 vaccine nitong CoronaVac. Ito ay tinitingnan ng mga opisyal na unang bakunang iro-roll out sa bansa.

“Pagdating sa allegations on bribery, tingin ko po hindi mangyayari ‘yan sa Pilipinas,” ani Roque.

Iniimbestigahn ng vaccine experts panel ng bansa ang isang ulat mula sa Washington Post na nagsabing mayroong record ang Sinovac ng panunuhol sa Chinese drug regulators upang makamtan ang vaccine approvals.

Habang sumasangguni sa datos ng korte, iginiit ng Washington Pots na inamin ng founder at CEO ng Sinovac na si Yin Weidong, ang pagbibigay ng kabuuang $83,000 suhol mula 2002 hanggang 2011 kapalit ang agarang approval ng kanilang SARS vaccine noong 2003, at swine flu vaccine noong 2009. Subalit, walang ebidensiyang ang mga bakunang nasangkot sa bribery issue ay pumapalya.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules, ang imbestigasyon tungkol sa mga paratang ay makatitiyak na hindi magiging biktima ang bansa sa panunuhol, na maaaring magdulot ng agam-agam hinggil kaligtasan at pagiging epektibo ng mga pumapasok na bakuna sa bansa

Aniya, “(Para) masiguro natin na hindi tayo mabibiktima dahil sa mga ganitong kwestiyonableng transaksyon kung totoong nangyayari po iyan.”

LATEST

LATEST

TRENDING