Kongreso, palalawigin ang validity ng 2020 badyet at Bayanihan 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Kinumpirma ng budget heads ng Senado at Kamara noong Miyerkules na binabalak ng Kongreso na palawigin ang validity ng dalawang spending bills upang matiyak na maisasakatuparan pa rin ang Covid-19 response projects.

Binabalak ng Kongreso na i-extend ang 2020 budget hanggang Hunyo o Disyembre 2021, at ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) naman hanggang Marso o gitna ng 2021, wika ni Senate Committee on Finance chair Sen. Sonny Angara sa isang press conference.

“The 2020 GAA (General Appropriations Act) has a lot of projects that were delayed because of the lockdown, of quarantine so additional time is needed,” ani Angara.

Dagdag pa ng senador, “Regarding the vaccine, ‘yung P8 bilyon nasa Bayanihan 2 so that expires on December 19. Kapag hindi natin in-extend ‘yung Bayanihan 2, magre-revert din ‘yung pera.”

Sa ilalim ng batas, ang taunang badyet ay nakatakdang magwakas sa dulo ng bawat taon, habang ang emergency measures – tulad ng Bayanihan 2 – ay magtatapos kapag nag-adjourn ng sesyon ang Kongreso.

Kapag nag-expire ang mga nasabing batas, ang pondong hindi nagastos ay ibabalik sa National Treasury, at magbabalangkas ang Kongreso ng bagong batas para bigyang awtoridad ang ehekutibo na gamitin ang mga nasabing pondo para sa espesipikong mga proyekto.

“Iniisip namin until March [i-extend] pero siyempre depende pa ‘yan eh, depende sa needs,” sabi naman ni House Appropriations Committee chair ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap.

Dagdag pa ng kongresista, “Kung sa tingin natin ay hindi pa nayu-utilize lahat [by then], puwede pa namin i-extend ‘yun.”

Inihain naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Senate Bill No. 1909 upang palawigin ang deadlines ng Covid-19 spending hanggang Marso 27, 2021.

Subalit, unang nagbabala naman si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan hinggil sa pag-extend ng validity ng badyet, at sinabing baka maging kampante ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Aniya, “Are we condoning delays? Kasi ie-extend naman [ng Congress], so pabayaan na lang [na delayed ang release ng funds]?”

Hindi naman nakita ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang kahalagahan ng ikatlong Bayanihan law, sapagkat ang karagdagang pondo para sa mga biktima ng bagyo at programa kontra Covid-19 ay maaari na lamang isama sa 2021 badyet.

Aniya, “The executive should be able to cooperate by releasing funds under Bayanihan 2.”

“Why do we have to crack our head on this issue when in fact the solution is… by having these money released,” dagdag pa nito.

Batay sa datos noong Oktubre 29, naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P78 bilyon, halos kalahati ng P165-bilyong pondong puwedeng gastusin ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan 2.

LATEST

LATEST

TRENDING