DOH, inihahanda ang estimate budget para sa planong libreng Covid-19 testing ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOH Secretary Francisco Duque III

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules na pinag-aaralan nito kung magkano ang gagastusin para sa pag-aalok ng libreng Covid-19 testing para sa lahat ng mga Pilipino.

“We are already looking into this and preparing for the budget that is needed to carry out the President’s directive,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa isang virtual briefing.

Nagreklamo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes tungkol sa mahal na bayad ng polymerase chain reaction o PCR swab tests. Ayon sa pangulo, kung may sapat na pondo, puwedeng bumili ang pamahalaan ng testing kits at ipamahagi ito nang libre.

“It is a welcome news that our President would like to put in more resources in testing, so that it would not burden our people from the cost,” dagdag pa ni Duque.

Kinakailangan umano nilang suriin kung magkano ang gagasutsin para sa libreng testing, at nakadepende ito sa Department of Finance at Department of Budget and Management upang i-assess kung kaya ba itong bayaran ng gobyerno.

Binanggit naman ng kalihim na maraming Pilipino ang hindi na nagbabayad para sa tests sapagkat covered na sila ng PhilHealth.

Sapat na aniya ang P3,409 PhilHealth coverage para sa Covid-19 tests sapagkat mas mababa na ang fees sa mga pampublikong pasilidad na subsidized at nakatatanggap ng donated test kits.

Umapela si Duque sa mga pribadong laboratoryo na bababaan ang kanilang fees sapagkat binabayaran na ito ng PhilHealth.

Noong nakaraang buwan, naglabas ng kautusan ang DOH para itakda ang price range ng PCR tests. Dahil dito, hindi na lalagpas nang P3,800 ang maaaring singilin ng mga pampublikong laboratryo para sa tests, habang nasa P4,500 hanggang P5,000 lamang ang maaaring singilin ng mga pampublikong pasilidad.

Bago ang issuance ng price cap order, may mga laboratoryo na naniningil nang hanggang P10,000 o higit pa para sa bawat test.

Sa kasalukuyan, nasa 25,000 hanggang 30,000 katao bawat araw ang nate-test ng mga laboratoryo sa bansa. Batay sa datos noong Disyembre 7, may 144 RT-PCR at 43 genexpert laboratories na accredited para sa Covid-19 testing.

Nang tanungin kung papahintulutan na ang testing ng kahit sinong indibidwal, kung na-expose sa Covid-19 patient o hindi, sinabi ni Duque na: “We will follow our guidelines on expanded testing.”

Idiniin ng kalihim na mayroon nang 10 subgroups na tinukoy para sa priority testing.

LATEST

LATEST

TRENDING