PRRD, nakiusap sa LGUs na magtalaga ng hotels bilang quarantine facilities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng IATF-EID

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na magtalaga ng hotels at inns sa kanilang mga lokalidad na maaaring gamitin bilang quarantine facilities.

Sa kanyang lingguhang public address, binanggit ng pangulo na kasalukuyang may kakulangan sa bilang ng quarantine facilities, lalo na para sa mga taong naghihintay ng resulta ng kanilang swab tests, o para sa mga asymptomatic na hindi na kailangang ilagay sa ospital.

Aniya, “There’s a dearth of space for people who are suspected of having the virus. Ang problema nito is ganito. Ikaw naman kung dalhin ka doon sa ospital, it’s kind of a morbid thing for anyone, really, it could be traumatic for a guy na pag-swab, dalhin ka doon sa, you are whisked to the hospital, and you stay there.”

“So I leave it to the city government, and we will talk about it later, itong mga hotel na bakante, tutal pagkatapos niyan we can always decontaminate the rooms. We will do it for you,” ani Duterte.

Umapela rin ang pangulo sa mga may-ari ng hotels, inns, at motels na makipagkooperasyon sa pamahalaan at ialok ang kanilang mga establisyimento bilang quarantine facilities, habang tiniyak na mababayaran sa oras ang mga ito.

“And to the owners of hotels, inns, motels, maybe kung wala nang iba, to accommodate the Filipinos who are in need of help. I will assume the full responsibility of paying you pagdating ng panahon. I will see to it, I will ask Congress, I will plead sa kanila na hanapan ng paraan, bayaran kayo. I will personally see to it that you are paid on time,” paglilinaw ni Duterte.

Hindi ito ang unang beses na ginamit ang mga hotels bilang quarantine facilities.

Sa pag-uumpisa ng pandemiya sa bansa, ilang mga hotels sa Metro Manila ang itinalaga bilang quarantine facilities para magamit ng mga balikbayang Pilipino – bagay na nagdulot ng milyun-milyong piso utang para sa hotel owners.

LATEST

LATEST

TRENDING