Duterte, iniisip na armahan ng baton ang mga pulis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Edd Gumban (Philstar)

Kinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng mga batons sa police equipment, alinsunod sa banta ng isang opisyal na papaluin ng yantok ang mga taong lalabag sa physical distancing protocols sa panahon ng Kapaskuhan habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa.

“Nagtaka talaga ako kung bakit ito tinanggal. You know, when a person resists arrest and becomes violent, the first impulse of the police without a baton is to hold his gun. He might not draw it but he holds his gun, ready for action. E kung may baton ito, eh rubberized ang baton noon, e kung mahampas mo lang ang kamay, mahampas mo ‘yung katawan, eh masakit yun, maybe you can subdue the person resisting the arrest, or criminal,” ani Duterte noong Lunes.

Dagdag pa nito, “Bakit nawala ito, na dapat first line of defense ng pulis? Para hindi siya malapitan, agawin ‘yung baril o makipagsuntukan sa kaniya o makipag-struggle kasi ayaw maaresto. The police can use a not-so-lethal weapon.”

“Balik ko siguro. Pero ‘yung hard rubber, ‘wag ‘yung kahoy. In the meantime, the rattan will do,” diin ng pangulo.

Sinabi ni Police Gen. Cesar Binag, commander ng coronavirus task force, na magpapatrolya ang mga pulis at sundalo sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila, ang hotspot ng Covid-19 cases, habang may dalang isang metrong rattan sticks para sukatin ang distansya.

“It can be used to cane the hardheaded,” wika ni Binag.

Tinanggihan naman kinalaunan ng Malacañang ang banta ni Binag dahil labag umano sa batas ang hakbang na ito.

“Hindi po pupuwedeng gamitin iyan na pang-hit o pampalo dahil hindi naman po iyan pinapayagan sa ating batas at regulasyon ng PNP,” sabi ni sPresidential spokesperson Harry Roque.

Ayon naman sa Commission on Human Rights (CHR), ang pamamalo ay maaaring magdulot ng kahihiyan at trauma.

“Violence, even in its slightest suggestion, is not the best way to address the pandemic,” giit ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

LATEST

LATEST

TRENDING