Duterte, muling ipinagtanggol ang kanyang narco list

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang drug list ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga pinatay na alkalde, dahil kinakailangan umanong malaman ng taumbayan kung sino ang sumisira sa buhay nila.

“As a matter of an obligation, I have to come up with the names of those suspected so that the public will be aware and prevent their ascension to public office,” ani Duterte sa lingguhang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting.

Ayon sa pangulo daan-daang barangay captains at ilang alkalde ang kabahagi ng narco list, na kanyang isinapubliko noong 2019.

Tinanggihan din ni Duterte na sa kanya nagmula ang naturang listahan, dahil ito raw ay nagmula sa intelligence reports mula sa mga drug enforcement authorities, pulis, at militar.

“It’s not mine, it was only given to me. I’m not the one who makes the list. I’m not the police. I’m not part of the intelligence (groups),” giit ng pangulo.

Humingi naman ng tawad ang pangulo sa pamilya ng pinatay na alkalde ng Los Baños, Laguna na si Mayor Caesar Perez, kung saan idiniin ng kanyang anak na si Aldous na walang kinalaman ang ama sa iligal na droga. Ang alkalde, na pinagbabaril noong Disyembre 3 sa loob mismo ng munisipyo, ay bahagi ng narco list na binasa ni Duterte noong 2019.

“I’m sorry if your father was there. But really, most of those (in the list) are involved in drugs. Your father might be an exception,” tugon ni Duterte.

Dagdag pa nito, “If you believe firmly that he was not guilty or liable of anything, well it’s good. But the problem is his name was in the list.”

Binanatan naman ng pangulo ang asawa ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na si Marivic, na ipinagtanggol ang kanyang asawa sa social media laban sa mga akusayon kaugnay ng iligal na droga. Hinikayat nito si Duterte na mag-“move on” na.

Sinabi naman ng pangulo sa asawa ni Mabilog na respetuhin ang kapasyahan ng Ombudsman na nag-dismiss sa alkalde mula sa serbisyo dahil sa grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

“It is not my fault that your husband’s name appears on that list. I did not create that list,” sabi ni Duterte.

Dagdag pa nito, “There is no such thing as I have to move on because it is a constant vigilance.”

Si Mabilog ay ipinatanggal ng Ombudsman noong 2017 dahil sa hindi maipaliwanag na yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2012 hanggang 2013. Paulit-ulit na inakusahan ni Duterte si Mabilog ng pagiging narco politician at ipinag-utos din ang lifestyle check nito. Subalit, tinanggihan ni Mabilog ang mga akusasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING