Duterte: Laban para sa human rights, ‘malayo pa sa dulo’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na “far from over” o malayo pa sa dulo ang trabaho para isulong ang karapatang pantao, ilang araw lamang matapos bumirada laban sa mga human rights defenders.

Sa dinaluhang human rights summit na inorganisa ng Department of Justice (DOJ), iginiit ng pangulo na “proud” siya sa pagpirma ng Pilipinas ng maraming mahahahalagang human rights treaties.

“This affirms our serious commitment in honoring and fulfilling our treaty obligations and prioritizing the human rights agenda as a means to achieve our country’s sustainable development goals,” ani Duterte sa isang taped speech. 

Dagdag pa nito, “Let me however stress that our work is far from over. I urge everyone to strengthen the multi-sectoral engagement that would foster a healthy human rights environment for all.”

Noong Biyernes, idiniin naman ng pangulo na “masyadong abala” ang mga rights groups sa kalusugan at buhay ng mga kriminal, kung saan libu-libo ang pinatay dahil sa kampanya kontra iligal na droga.

Pinagsabihan din nito ang mga awtoridad na “huwag titigil” sa drug war

Sinabi ng pangulo noong nakaraang linggo na 167 milyong Pilipino ang adik sa iligal na droga, mahigit sa 100 milyong populasyon ng bansa. Dinipensahan naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang “typo error” lamang at ibig sabihin talaga ni Duterte ay 1.67 milyong drug users. 

Batay sa ulat ng United Nations na inilabas noong Hunyo, libu-libong katao ang posibleng pinatay sa Pilipinas nang may “near impunity” simula noong 2016.

Paulit-ulit namang sinabi ng pamahalaan na ang mga nasawi ay iyong mga nanlaban sa mga awtoridad, kung saan binigyan nito ng lisensiya ang mga pulis na barilin ang mga suspek.

Inihayag naman ng Malacañang kamakailan na ito ay “makikipagkooperasyon nang buo” matapos mangako ang international body ng “technical assistance” para tulungan ang administrasyon para imbestigahan ang mga patayan.

LATEST

LATEST

TRENDING