‘Babangon tayo’: Duterte, nagpahayag ng mensahe sa Christmas station ID ng PTV

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbigay ng maikling mensahe ng pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng Christmas station ID ng pampublikong istasyon na People’s Television Network’s (PTV).

Ang nasabing station ID na pinamagatang “Tuloy ang Pasko, Basta’t Magkakasama Tayo,” ay nagpokus sa pagbibigay pag-asa sa mga Pilipino bunsod ng patuloy na laban kontra Covid-19 pandemic.

Sa kanyang mensahe, inabisuhan ni Duterte ang lahat na manatiling mapagmatyag at huwag mawawalan ng pag-asa.

Aniya, “Mga kababayan, maging laging handa. Babangon tayo para sa bayan.”

LATEST

LATEST

TRENDING