Antigen tests, ‘di puwedeng gamitin sa mga asymptomatic Covid-19 patients: DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Ang antigen coronavirus tests ay hindi puwedeng gamitin para sa asymptomatic patients at sa iba pang mga kondisyon, giit ng Department of Health (DOH) noong Lunes.

Ibinahagi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang antigen tests ay maaari lamang gamitin para sa may mga Covid-19 symptoms, mga na-expose sa kumpirmadong kaso ng Covid-19, may history ng travel sa mga lugar na may mataas na bilang ng Covid-19 cases, at mga lugar na may kakulangan ng access sa RT-PCR testing, o kung may nagbabadyang outbreak sa komunidad.

“Di pa rin natin pwede gamitin ito for non-symptomatics or outside of those conditions I have enumerated,” wika ni Duque.

Sinabi ng DOH noong nakaraang buwan na tinapos na ng Baguio City ang pilot study nito ng antigen testing para makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya nito.

Ang mga antigen tests ay naiuulat na mas mabilis maglabas ng resulta subalit hindi kasing wasto ng RT-PCR, ang gold standard ng coronavirus tests.

Ang RT-PCR test ay kasalukuyang nagkakahalaga ng P4,500 hanggang P5,000 sa mga pribadong laboratoryo at P3,800 naman sa mga pampublikong pasilidad, ayon kay Duque.

Puwede naman umanong mag-avail ang mga Pilipino ng benepisyo mula PhilHealth upang lumiit ang gastusin ng tests sa P700, dagdag pa ng kalihim.

Unang binalak ng pamahalaan na gamitin ang antigen tests para sa screening sa mga paliparan subalit naglabas ang World Health Organization (WHO) ng guidelines na nagsasabing hindi ito akma para sa border screening.

LATEST

LATEST

TRENDING