NBI, inatasang imbestigahan ang pagpatay sa alkalde ng Los Baños

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring pagpatay kay Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez.

Sa isang memorandum, ipinag-utos din ng DOJ sa NBI magsagawa ng case build-up at magsampa ng mga kaso kapag nakakalap na ng sapat na ebidensiya. Kinakailangan ding magsumite ng NBI sa DOJ ng progress reports sa loob ng 30 days.

Si Perez ay pinagbabaril ng hindi kilalang gunmen sa loob ng munisipyo noong Huwebes ng gabi at idineklarang patay ilang sandali lamang matapos isugod sa ospital. Ayon sa pulis, tinitingnan nila ang pagkakaugnay ng alkalde sa iligal na droga o di kaya ay sa isyu nito sa trabaho bilang mga posibleng motibo sa likod ng pamamaslang.

Ang alkalde ay isa sa mga politikong pinangalanan sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019. Paulit-ulit naman niya itong tinanggihan at sinisi ang mga karibal sa pulitika hinggil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan.

Nauna namang bumuo ng isang special investigation task group ang Laguna provincial police para imbestigahan ang pagpatay kay Perez.

LATEST

LATEST

TRENDING