Duque, sang-ayon na unang magpabakuna ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Secretary Francisco Duque III

Sumang-ayon si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon ni Senador Bong Go na mauna ito sa pagpapabakuna ng Covid-19 vaccine upang mapatunayan ang kaligtasan nito.

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ni Duque na nais niyang mabakunahan kung sumailalim na sa evaluation ang mga bakuna.

Aniya, “Sure, I will have myself vaccinated once the Vaccine Expert Panel of the DOST and FDA’s regulatory and technical evaluation determine the safety quality and effectiveness of the vaccines.”

Naunang hinamon ni Go sina Duque at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maunang magpabakuna upang hikayatin ang mga Pilipino na sumunod kapag naging available na ang mga gamot sa susunod na taon. Hindi pa nagbibigay ng tugon si Galvez sa panawagan ni Go.

Samantala, sa kanyang radio show noong Linggo, iginiit naman ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na nais niyang mapabilang sa mga unang mababakunahan, subalit idiniing dapat may wastong intensyon ang mga opisyal para tugunan ang hamong ito.

Aniya, “Depende sa dahilan. Kung ang dahilan magpapakita ay ma-encourage iyong confidence sa kaligtasan ng bakuna, tama iyon.”

“Pero hindi siya tama kung ang dahilan, gusto niya siya lagi ang unang maprotektahan kasi ang dapat maunang protektahan ‘yung pinaka-exposed, at nagsang-ayon ako na health care workers iyon,” dagdag pa ni Robredo.

Nilista na ng pamahalaan ang mga health workers bilang unang grupo na mabibigyan ng Covid-19 vaccine.

Sa kasalukuyan, nakakuha na ang Pilipinas ng 2.6 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 mula sa British drugmaker na AstraZeneca sa tulong ng pribadong sektor.

Nakatakda ring tumanggap ang bansa ng doses mula sa Sinovac ng China at Gamaleya Institute ng Russia simula first quarter ng 2021 alinsunod sa “advanced” supply negotiations, base naman sa unang naging pahayag ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING