Britanya, naghahanda para sa roll-out ng Covid-19 vaccine ngayong linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic (Reuters)

Naghahanda ang Britanya upang maging kauna-unahang bansa na magro-roll out sa Pfizer/BioNTech Covid-19 vaccine ngayong linggo, kung saan inisyal na ibibigay ang mga ito sa mga ospital bago ipamahagi sa mga klinika, pahayag ng pamahalaan noong Linggo.

Ang unang mga doses ay ibibigay sa Martes, kung saan bibigyang prayoridad ng National Health Service (NHS) ang mga edad 80 pataas, frontline healthcare workers, at care home staff at residents.

Pinahintulutan ng Britanya ang emergency use approval para sa bakunang gawa ng Pfizer at BioNTech noong nakaraang linggo, upang maging kauna-unahang mass inoculation program kontra Covid-19 sa kasaysayan.

Ipinag-utos ng Britanya ang pagbabakuna ng 40 milyong doses – na sapat upang tugunan ang 20 milyong katao sa bansang may 67 milyong populasyon.

800,000 doses ang inaasahang magiging available sa unang linggo.

Ang inisyal na doses na dumating mula Belgium ay nakalagay sa ligtas na mga lokasyon sa ilang panig ng bansa, kung saan sasailalim ito sa quality checks, pahayag ng health ministry said.

Ang nasabing bakuna ay dapat ilagay sa temperaturang -70C (-94F) at ito ay magtatagal lamang ng limang araw sa regular na refrigerator.

Dahil dito, ibibigay muna ito sa 50 ospital. Magtatagal aniya ng ilang oras ang pag-defrost sa bakuna upang maihanda itong gamitin.

Isa ang Britanya sa mga unang bansa na magro-roll out ng bakuna sa labas ng clinic trial.

LATEST

LATEST