Roque matapos dumalo sa mass gathering: “Lesson learned na po iyan”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque
Kuha ni: Aldo Banaynal (The Freeman)

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes na natutunan niya ang isang leksyon matapos siyang dumalo sa isang malawakang pagtitipon at umani ng pambabatikos dahil sa umano’y paglabag sa umiiral na Covid-19 health protocols.

Ipinapakita ng mga nag-viral na larawan mula sa ginanap na toursim event sa Cebu na bagama’t nakasuot ang audience ng face masks, magkakalapit ang mga ito habang nakikinig sa pagsasalita ni Roque at sa iba pang mga opisyal.

“Lesson learned na po iyan. Kaya noong pumasok po tayo dito sa Palawan, ipagpaumanhin n’yo po, I really demanded that everyone should observe social distancing,” ani Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING