DOTr: Walang planong limitahan ang pampublikong transportasyon ngayong buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Walang planong limitahan ang pampublikong transportasyon ngayong buwan, pahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong Miyerkules, matapos ang pangambang maaaring magkaroon ng pag-akyat sa Covid-19 cases ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Wala ang DOTr na binabalak na limitahan ang public transport system natin sa kasalukuyan. Unless may bagong panuntunan ang IATF (inter-agency task force),” ani DOTr senior transport consultant Alberto Suansing sa isang briefing.

Binigyang diin ng opisyal na may mga umiiral na protocols upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus sa mga pampublikong sasakyan. Kabilang dito ang mandatoryong pagsusuot ng face masks at face shields; pagbabawal sa pakikipag-usap; at pagbabawal sa pagtawag sa cellphone habang nasa loob ng sasakyan at mga tren.

Noong Oktubre, ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagpapatupad ng “one-seat apart” rule sa lahat ng sektor ng transportasyon upang matugunan ang mga commuters matapos ang pagpapairal ng physical distancing policy.

Samantala, nakatakdang talakayin ng task force ang isyu ng travel ngayong Kapaskuhan sa Huwebes, ayon naman kay coronavirus response chief implementer Carlito Galvez, Jr.

“Pinag-aaralan ngayon kung ano ang magiging uniform directive or protocol on traveling and the use of transportation — for both air and land transportation,” sabi ni Galvez.

LATEST

LATEST