Baguio, sinuspinde ang operasyon ng night market dahil sa ‘pagkukulang’ sa crowd control

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Public Information Office – City of Baguio Facebook page

Sinuspinde ng Baguio City ang operasyon ng popular nitong night market ilang oras matapos ang reopening dahil sa “lapses” o pagkukulang sa crowd control, ayon sa mga opisyal.

Sa isang social media post noong Miyerkules, inihayag ng Baguio City Public Information Office na dinirektahan ni Mayor Benjamin Magalong ang kapwa local executives na mag-organisa ng meeting at magsagawa ng assessment hinggil sa operasyon ng night market na muling binuksan noong Martes ng gabi.

“Identify our weak points and vulnerabilities and discuss solutions. I want feedback as soon as possible,” ani Magalong.

Ang reopening ng market ay kabahagi ng hakbang na lungsod na buhayin ang ekonomiya nito at ibalik ang pangkabuhayan ng mga tao sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Idiniin naman ni Magalong na hindi dapat isakripisyo ang health and safety protocols dahil sa pagpapaggan ng business restrictions.

Una ring sinabi ng alkalde na may mga tradisyunal na aktibidad sa Kapaskuhan na iiwasan muna ng lungsod dahil sa nararanasang pandemiya.

“There are some traditional activities that we will avoid like Christmas caroling from house to house, like Simbang Gabi, limited indoor gathering like family and clan gatherings,” sabi ni Magalong noong Martes.

Aniya, “Christmas in Baguio this time should be observed in calmness unlike the festive, jubilant and carefree mood of the past. This time we shall endeavor to make it a safe and healthy Christmas.”

LATEST

LATEST

TRENDING