Duterte, binanatan ang mga kritiko na pumupuna sa kanyang schedule

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang kanyang mga kritiko na nagkukuwestyon sa kanyang schedule.

Sinabi ng pangulo na siya ay isang “night person” kung saan nag-uumpisa siyang magtrabaho alas-dos ng hapon. Subalit, idiniin nitong hindi siya nagwawalang bahala sa trabaho.

Aniya, “I told you frankly, my day starts at two o’clock in the afternoon. Pero hanggang gabi na ako, papunta ng gabi. Walang limit na ‘yan… But for the reason na ganon nga body clock ko, and I have a job to do and I have to do it right. And what do you do? What do you mean? Tapos sabihin niyo hindi nagtatrabaho. Palit tayo. Matutunaw yung utak niyo.” 

Binanggit ni Duterte na hindi niya kailanman inilihim ang kanyang schedule.

“Noong matapos ako mag-oath, ininterview ako ng media. Yung media, ilabas ninyo ang tape, lahat. ‘What is your work ethics?’ Well, I am a night person,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, ganito ang kanyang schedule dahil noong siya pa ay alkalde, marami siyang papeles na kailangang basahin na nagtatagal buong gabi. Pagkatapos nito ay natutulog siya pagsapit ng alas-kwatro o alas-singko ng umaga.

Unang tinalakay ni Duterte ang kanyang schedule nang akusahan niya si Pangalawang Pangulo Leni Robredo na tinanong umano ang kanyang kinaroroonan nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng Luzon.

Aniya, “Remember kayong mga Pilipino sinabi ko sa inyo prangkahan sa press conference, that I am a night person. I work on the state government documents sa gabi. My day begins at two, two o’clock hanggang sa gabi na walang limit.”

LATEST