Sen. Marcos, nais ilipat ang ‘unspent’ na pondo ng DOTr, DOH para sa procurement ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Imee opposes plan to import rice for local retailers | Philippine News  Agency
Sen. Imee Marcos

Binubusisi ng isang mambabatas ang “unspent funds” ng dalawang ahensya ng gobyerno na posibleng mapaghugutan aniya ng karagdagang badyet para sa procurement ng mga bakuna kontra Covid-19.

“We are looking, at least in my case, I am really looking at the DOTr [Department of Transportation] which has so many unspent funds, for right of way, for example,” ani Sen. Imee Marcos noong Lunes.

Dagdag pa ng senador, “Even the DPWH [Department of Public Works and Highways], ang daming unspent.”

Binanggit ni Marcos bilang halimbawa na ang ilang alokasyon para sa right of way ay puwedeng ilipat sa Department of Health (DOH) o alinmang ahensyang inatasang mamahala sa pagbili ng bakuna.

Aniya, “‘Yung right of way, ang konti konti ng nagagastos year-on-year, nasa 25 percent lang,” she pointed out. “Ilipat na natin ‘yung 75 percent at bigyan na natin ng proper budget ‘yung ating DOH or kung sino man ang magpo-procure ng vaccine.”

Ang Senado, na inaprubahan noong nakaraang linggo ang bersyon nito ng ipinapanukalang ₱4.5 trilyong 2021 national budget, ay naglaan ng kabuuang ₱83 bilyon para sa Covid-19 vaccines. Sa halagang ito, ₱8 bilyon ang inilaan sa Department of Health (DOH), habang ₱75 bilyon naman ang isinantabi sa isang unprogrammed appropriations para sa pagbili ng bakuna, storage, transportation at distribution.

Nagpahayag naman ng agam-agam si Marcos hinggil sa nasabing unprogrammed appropriations.

“Kapag unprogrammed, ala chamba ‘yun eh,” the senator noted. “Kasi wala pang pera diyan eh. Depende kung makakolekta ng maraming buwis. Eh paano makakakolekta, eh hirap na hirap ang negosyo ngayon? So these are things we’ll have to address. Kaya I think it’s very important that we put money aside for the vaccine,” giit ng senadora.

Unang nakabili ang bansa ng 2.6 milyong doses ng Covid-19 vaccine mula sa AstraZeneca sa pamamagitan ng ₱600-milyong donasyon mula sa pribadong sektor. Inaasahang makapagbibigay ito ng benepisyo sa mahigit 1.5 milyong Pilipino, habang umaasa ang mga opisyal na maide-deliver ang gamot sa gitna ng 2021 matapos ang clinical trials.

LATEST

LATEST

TRENDING