Pilipinas, humakot ng parangal sa 27th World Travel Awards

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hinirang ang Pilipinas bilang world’s best diving destination habang ang Intramuros naman sa Manila ay idineklarang best tourist attraction sa ginanap na 27th World Travel Awards ngayong taon, ayon sa Department of Tourism noong Sabado. 

Sa isang Facebook post, inihayag ng DOT na na-award sa Pilipinas ang “World’s Leading Dive Destination” habang ang Intramuros naman ay idineklarang “World’s Leading Tourist Attraction” sa taunang awards.

Nilamangan ng Pilipinas ang 8 na ibang destinasyon tulad ng Great Barrier Reef sa Australia, Maldives, Fiji at Mexico para sa World’s Leading Dive Destination” award. 

Tinalo rin ng Intramuros ang 15 na ibang iconic global attractions tulad ng Acropolis sa Athens, Greece, Burj Khalifa sa Dubai, Macchu Pichu sa Peru, Great Wall of China at Taj Mahal sa India para naman sa “World’s Leading Tourist Attraction 2020” category.

Kinilala rin ng award-giving body ang Pilipinas bilang Asia’s leading beach and diving destinations. 

Samantala, tinanghal naman ngayong taon ang Intramuros bilang Asia’s leading tourist attraction, na unang nakamtan ng makasaysayang lungsod noong 2016.

Ang iba pang destinasyon sa bansa na pinarangalan ay ang:

  • World’s Leading Casino Resort 2020 (City of Dreams Manila, Philippines)
  • World’s Leading Dive Resort 2020 (Amanpulo, Philippines)
  • World’s Leading Luxury Themed Resort 2020 (El Nido, Pangulasian Island, Philippines)

Ang award giving body, na itinatag noong 1993, ay layong kilalanin ang achievements ng mga establisyimento at lugar ng kalahok sa global tourism industry. 

Kinilala ito ng DOT sa isang Facebook post. 

Aniya, “The Philippines is now recognized as the World’s Leading Dive Destination and Intramuros (Intramuros Administration) now holds the title of the World’s Leading Tourist Attraction. Show the world #ItsMoreFunInThePhilippines by celebrating and sharing these big wins for the country!”

LATEST

LATEST