DOJ, handang tulungan ang DepED para sa imbestigasyon tungkol sa learning modules

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOJ Secretary Menardo Guevarra

Nakahandang tumulong ang Department of Justice (DOJ) para paimbestigahan ang mga maling parating tungkol sa learning modules ng Department of Education (DepEd), ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra noong Sabado.

Ayon sa kalihim, bagama’t hindi pa nakatatanggap ang ahensya ng kahit anumang requests mula sa DepEd, nakahanda umano silang paimbestigahan ang mga tao na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa umano’y errors hinggil sa distance learning materials.

“We will be ready to help if there is evidence tending to show the false and malicious character of these allegations about the agency’s learning modules,” ani Guevarra.

Posible rin umanong hingin ang serbisyo ng National Bureau of Investigation, ang investigating arm ng DOJ.

Ang mga isasampang kaso ay mag-iiba-iba, ayon kay Guevarra.

Aniya, “For example, if the false claim about a module is directly attributed to a certain person with no manifest intent but to ridicule or malign him or her, the latter may have cause to file a complaint for libel or cyber libel, as the case may be.”

Ilang errors sa mga learning modules ang nag-viral, kabilang ang paghikayat sa mga estudyante na huwag sumali sa mga kilos-protesta. Subalit, tinanggihan ng DepEd na pag-aari nila ang ilan sa mga materyales na ito.

LATEST

LATEST

TRENDING