DOH, magbibigay ng ayuda para sa mas maraming health workers na nasawi at malubhang nagkasakit sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Sabado na ipinagpapatuloy nito ang pamamahagi ng financial assistance para sa health workers na nasawi dahil sa Covid-19 at para sa mga malubhang tinamaan ng nakamamatay na sakit.

“Nakapag-release na po kami ng 53 checks for Covid-19 severe cases and 55 checks for Covid-19 related deaths,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire sa virtual press briefing noong Sabado, mas maraming tseke ang ilalabas para sa mga severe cases, at lima pa para naman sa Covid-19 deaths.

Aniya, “We are now currently evaluating 79 cases of severe cases for health care worker and 20 more deaths.”

Sinabi ng opisyal na ang mga nabanggit na kaso ay kinakailangang i-evaluate at i-validate upang matukoy kung ang kanilang sakit o kamatayan ay may kinalaman sa Covid-19.

“Para mabigyan na natin sila ng kanilang benefits” sabi ni Vergeire.

Sa ilalim ng Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal As One Act, ang mga pamilya ng health workers na nasawi dahil sa Covid-19 ay natakdang bigyan ng P1 milyong tulong, habang ang health workers naman na malubhang tinamaan ng nakamamatay na sakit ay makatatanggap ng P100,000.

Ayon kay Vergeire, may 233 active cases sa hanay ng health workers sa ngayon.

“Sila po ‘yung nagpapagaling pa lang sa sakit na ito,” paglilinaw nito.

Mayroon naman aniyang 1,202 health workers na gumaling na mula sa Covid-19.

“And that is 97.5 percent and mayroon tayong .6 percent lang na case fatality rate,” dagdag pa ni Vergeire.

LATEST

LATEST