P4.5-T 2021 national budget, pasado na sa Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinasa na ng Senado noong Huwebes sa huling pagbasa ang P4.5-trilyong 2021 national budget, na may “single-minded focus on restarting the economy” bunsod ng mga nagdaang mapaminsalang bagyo at ang patuloy na laban kontra Covid-19 pandemic sa bansa.

Ibinoto ng lahat ng 22 senador na dumalo sa plenaryo ang pag-apruba sa 2021 General Appropriations Bill.

“Hopefully, inside the line items of this budget, our people see that indeed there is a path out of this pandemic and recession and that we are not without hope,” ani Senate Committee on Finance chair Sen. Sonny Angara.

Ilan sa mga naging amendments sa Senado hinggil sa 2021 badyet ay ang mga sumusunod:

HEALTH

  • increased funding para sa COVID-19 vaccines
  • funding para sa pagpapatuloy ng contact tracing operations
  • increased funding para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
  • dagdag badyet para sa regional public hospitals upang mapayagan ang increase sa bed capacity at mai-upgrade ang equipment at facilities
  • funding para sa medical assistance para sa mahihirap na pasyente
  • dagdag badyet para sa prevention at control ng noncommunicable diseases (heart disease, stroke, cancer at mental health conditions)
  • funding para sa medical schools

ENERGY

  • increased funding para sa Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF)

SOCIAL WELFARE

  • increased funding para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development
  • funding para pabilisin ang rollout ng National ID System

AGRICULTURE

  • funding para sa cacao o coffee planting and processing equipment sa 22 coconut-producing areas
  • funding para sa isang dairy goat project
  • increased funding para sa titling ng agricultural land

 TOURISM

  • funding para sa World Championship of the World Eskrima Kali Arnis Federation (WEKAF) sa Cebu City

 INFRASTRUCTURE

  • funding para sa repair ng airports, ports, tulay at iba pang nasirang imprastraktura bunsod ng bagyo at landslides

LABOR

  •  additional funding para sa ayuda ng mga naapektuhang manggagawa
  •  additional funding para sa government internship program 
  •  additional funding para sa scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

TRADE AND INDUSTRY
 

  • probisyong nagmamando sa pamahalaan na mag-procure ng relief at feeding program items na direkta mula sa magsasaka, mangingisda, at kooperatiba

LOCAL GOVERNMENT

  • mas malawak na coverage ng Financial Assistance sa LGUs upang mapondohan ang “assistance programs and projects for education, health, and social protection in light of the COVID-19 pandemic”

EDUCATION

  •  increased funding para sa equipment at printing requirements ng class modules
  •  funding para sa solar panels ng mga paaralan
  •  funding para sa pagpapatayo ng mas maraming National Child Development Centers (NCDCs)
  •  increased funding para sa Philippine Science High School (PSHS) system
  •  transportation at teaching aid allowance para sa Alternative Learning System (ALS) teachers
  •  funding para sa development, reproduction, at delivery ng learning modules
  •  funding para sa quality assurance ng learning modules
  •  additional funding para sa Commission on Higher Education scholarships

 TRANSPORTATION

  • funding para sa pagpapatupad ng health protocols sa transport terminals
  • funding para sa inclusion ng active forms ng transportation
  • funding para sa construction at repair ng mga pasilidad upang mas maging accessible para sa senior citizens at Persons with Disabilities

 PEACE AND ORDER

  •  initial funding para sa pagtatatag ng Philippine Judicial Marshal Service
  •  higher operational budget para sa Philippine National Police Maritime group
  •  additional budget para sa upgrade ng ICT capabilities ng PNP Anti-Cybercrime Division
  •  increased funding para sa PNP Internal Affairs Service
  •  increased funding para sa Commission on Human Rights

 ARTS, CULTURE, SPORTS

  • funding para sa Asia Pacific Performing Arts Network (APPAN)
  • increased funding para sa trainings, seminars, at workshops para sa ilang sports tulad ng bowling at arnis
  • increased training budgets ng national athletes na lumalahok sa international competitions tulad ng Olympics at Southeast Asian Games

“Bagaman may pagbabago tayong isinasagawa, nananatili pa rin ang
adhikain… na ang pambansang badyet ay badyet ng pagbangon, ang
pinaka-stratehiya natin para umahon mula sa bigat at hirap ng nakaraang taon,” giit ni Angara.

Dagdag pa ng senador, “The amendments we propose demonstrate that we are doubling-down on our commitment to respond more effectively to the pandemic, on our motivation to help more of our people struck by calamity, and our single-minded focus on restarting the economy.”

Ang bicameral conference hearing na layong pag-isahin ang bersyon ng GAB mula Senado at Kamara ay inaasahang mag-uumpisa sa susunod ng linggo.

LATEST

LATEST