PH, pipirma ng kasunduan ngayong linggo para sa pagbili ng 2M Covid-19 vaccine doses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic (Reuters)

Pipirma ang Pilipinas ngayong linggo ng kasuduan para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19 mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez noong Huwebes.

Ang mga opisyal at pribadong sektor na nag-donate ng pondo para sa bakuna ay maglalagda ng tripartite deal para sa dalawang milyong doses ng AstraZeneca sa Biyernes.

“‘Pag may nalagdaan po na tripartite agreement, magkakaroon ng expanded partnership ang ating public at private sector,” ani Galvez.

Dagdag pa nito, “Magiging maganda po ang paglaban natin sa pandemic kasi ang mangyayari po, they will co-share iyong responsibility in protecting the economy by vaccinating their own people and their own stakeholders.”

Popondohan ng pribadong sektor ang pagbili ng bakuna at ibibigay ang kalahati ng mga doses sa Department of Health (DOH), habang ang natitira naman ay ibibigay sa mga empleyado nito, ayon sa International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon, Jr.

Inanunsyo ng AstraZeneca at University of Oxford noong Lunes na ang kanilang mura, at easy-to-produce na coronavirus vaccine ay 62 percent o 90 percent effective, depende sa paraan ng pagbibigay ng doses.

Ang nasabing bakuna ay ang pinakamurang bakuna sa mga frontrunners, sa halagang 2.5 euros o tinatayang P143 bawat dose. 

May advantage din ito pagdating naman sa transportasyon at storage.

LATEST

LATEST

TRENDING