Lacson, nais kaltasan ng P63-B ang 2021 badyet ng DPWH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo Lacson

Inihayag ni Senador Panfilo Lacson noong Miyerkules na nais nitong tanggalin ang tinatayang nasa P63 bilyong alokasyon mula sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon, kung saan kumakatawan ang pondo para sa alokasyon ng non-priority infrastructure projects sa 2021.

P43 bilyon mula rito ay inilaan para sa paggawa ng multipurpose buildings, na hindi umano naaayon sa kasalukuyang tema ng 2021 badyet na “reset, rebound, recover” mula sa Covid-19 pandemic. Mananatili naman ang badyet para sa national buildings.

“Not only from the multi-purpose building projects, but we also proposed to delete some amount from the double appropriations, right-of-way issues or budget and also overlapping projects. Ang total nito, P63 billion,” ani Lacson.

Sa halip, ang nasabing pondo ay dapat umanong ilaan na lamang para sa national broadband program ng Department of Information and Communications Technology, “flexible learning options” projects ng Department of Education, at sa implementasyon ng Universal Healthcare Law ng  Department of Health.

Nais din ng senador na magkaroon ng karagdagang P20 bilyon para i-augment ang alokasyon para sa mga lokal na pamahalaan na lubhang naapektuhan ng mga Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses, para sa construction ng evacuation centers, quarantine facilities, atbp.

Ang mga LGUs naman ay dapat magsumite ng kani-kanilang post-disaster needs assessment and plans sa Department of the Interior and Local Government, na magpapasya kung magkani ang ibibigay na alokasyon, dagdag pa ni Lacson.

Isa umano sa puwedeng mag-apply ay ang Camarines Sur, na nabigyan ng konting alokasyon subalit lubhang tinamaan ng magkakasunod na bagyo.

LATEST

LATEST