Lacson, ipinagkibit-balikat ang isyung nabakunahan na ito ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Panfilo Lacson

Hindi pinagtuunan ng pansin ni Sen. Panfilo Lacson noong Miyerkules ang usapin tungkol sa isyu na nabakunahan na ito ng Covid-19 vaccine.

Aniya, “Whether or not I had my vaccine is little significance or no significance at all. What’s significant is we should have the vaccine for the majority of our population. We’re targeting P60 million and we need something like P73.2 billion, according to Sec. Dominguez.”

“I think we should focus more on that rather than whether I or Majority Leader Romualdez of the House had our vaccine injections,” dagdag pa ng senador.

Unang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na si Lacson at si House Majority Leader Martin Romualdez ay nabakunahan na kontra Covid-19.

Sa kasalukuyan, wala pang inaaprubahan ang pamahalaan na partikular na brand ng Covid-19 vaccine para sa local use, subalit 3 international drug manufacturers na ang nakapagsabing epektibo ang kanilang mga nagawang bakuna.

“If I had my inoculation, I’m still here talking to you and I don’t look ill naman. Let’s leave it at that. Let’s just talk of the needs of our people because we really need to vaccinate at least majority of our people,” sabi ni Lacson.

LATEST

LATEST

TRENDING