Mga nurses, ikinadismaya ang pagkaantala ng sweldo at ipinangakong benepisyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Filipina nurse
Kuha ni: Maria Tan (Getty/AFP Images)

Ilang buwan nang manalasa ang Covid-19 pandemic sa Pilipinas, ilang nurses sa bansa ang muling nananawagan para sa agarang pag-rollout ng kanilang mga sahod at ipinangakong benepisyo tulad ng hazard pay at special risk allowances.

Ayon kay Maristella Abenojar, pangulo ng Filipino Nusrses United, “hindi makatarungan” ang pagtrato sa mga health workers dahil patuloy umano ang pagtanggap ng kanyang grupo ng reklamo hinggil sa delayed na sahod at benepisyo.

Aniya, “Pag breadwinner ka, it’s so difficult na hindi mo alam saan ka kukuha ng ibibigay mo, ipapakain mo sa pamilya mo, or ipangbibili mo ng gamot ng iyong parents, or education ng iyong anak or ng mga kapatid. Two to three months delayed in salary is really unjust. Hindi na ho ito makatarungan.”

“Their families are starving, they are getting ill, and yet they are not compensated. What’s the reason (for the delay)?,” dagdag pa nito.

Umapela ang FNU president sa mga kinauukulang opisyal na dinggin ang kanilang hinanaing kasabay pagbanggit ng mga maaaring maging resulta kung patuloy na tatanggihan ang kanilang ninanais.

“Sana, wag na nila kaming hintayin pa na gumawa pa ng mas iba pang drastic actions. Mahihirapan po kayo pag kami po ang nawala sa inyong serbisyo, o kung kami ang magkasakit at magkulang ang personnel sa mga hospital. Kaya sana naman po, pakinggan po niyo na kami,” diin ni Abenojar.

Samantala, ibinunyag sa isang Senate hearing noong nakaraang linggo na mahigit 16,000 medical frontliners ang hindi pa nakatatanggap ng hazard pay na inilaan sa dating batas na Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Senador Pia Cayetano, sponsor ng 2021 badyet ng Department of Health (DOH), dahil umano ito sa kawalan ng pondo kung saan nais umano ng ahensya na “mag-request ng isa pang badyet” para tustusan ang mga benepisyo ng health workers.

Ayon sa FNU, dapat maghanap ang DOH ng pondo para sa mga hindi pa nababayarang frontliners lalo na’t sila ay nahaharap sa banta ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING