Mayor Sara: Walang home quarantine para sa Covid-19 patients sa Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Pinabulaanan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pahayag ni National Task Force on Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez na maraming pasyente ng Covid-19 sa lungsod ang sumailalim aniya sa home quarantine.

Ayon kay Galvez sa ginanap na pagpupulong noong Huwebes kasama ang local at regional officials sa lugar, nais niyang wakasan na ang paglalagay ng mga Covid-19 patients sa home quarantine dahil nakakadagdag umano ito sa pag-akyat ng community transmission.

Iginiit naman ng alkalde na hindi nabigyan ng tamang impormasyon si Galvez, dahil wala umanong palisiya tungkol sa home quarantine ang Davao City, kahit noon pang nag-uumpisa pa lamang ang pananalasa ng Covid-19 pandemic sa bansa.

“We all know that we do not have that policy here in Davao City,” giit ni Duterte noong Biyernes sa isang radio interview.

Hindi na iwinasto ni Duterte ang maling pahayag ni Galvez dahil umasa itong lilinawin din ng Department of Health in Region 11 (DOH-11) ang isyu.

Aniya, “I remained mum about it because I am expecting DOH to correct the narrative. I may not have spoken because I expected DOH to say something, but they never did.”

Sinabi ni Galvez na ang patient care centers sa siyudad ay 27 percent occupied lamang, kung saan nangangahulugan umano itong naka-home quarantine ang ibang pasyente.

“If we have home quarantine, community transmission follows, and if there is community transmission, it would be difficult for us to stop Covid,” giit ni Galvez.

Binigyang diin naman ni Mayor Duterte na nakagawian na ng lokal na pamahalaan na i-admit maging ang mga asymptomatic patients sa Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) ng Davao City.

LATEST

LATEST

TRENDING