Davao City, ibinalik sa GCQ dahil sa pag-akyat ng Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Keith Bacongco (Manila Bulletin)

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Davao City sa general community quarantine (GCQ) hanggang Nobyembre 30, dahil sa pag-akyat sa bilang ng Covid-19 cases, pahayag ng Malacañang noong Biyernes.

Ayon kay National COVID-19 task force chief implementer Carlito Galvez, Jr. nagkaroon ng 63% increase sa mga panibagong kaso sa lungsod sa loob lamang ng isang linggo, kung saan inilarawan niya ito bilang “alarming”.

Aniya, “Ito po ay nakita po namin na talagang dapat iakyat ang restriction.”

Ito umano ang naging “collective decision” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa ginanap na pagpupulong noong Huwebes, upang mapigilan ang pagkakaroon ng malawakang outbreak sa lungsod.

Ayon naman kay IATF Deputy Chief Implementer Melquiades Feliciano, na mangunguna sa Coordinated Operations to Defeat the Epidemic o CODE teams na ide-deploy sa Davao, ang kasalukuyang sitwasyon ng Covid-19 sa lungsod ay nakaabot na sa peak, tulad ng nangyari aniya sa Bacolod City.

“Siguro iyong status ngayon ng Davao is the same as Bacolod City na nagpi-peak na sya and in a matter of time kung hindi sya magawan ng intervention, magkakaroon sya ng surge and it will cause deaths,” ani Feliciano.

Ayon kay Feliciano, magtutungo sila sa Davao sa Lunes. Isang initial assessment naman ang isasagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng importanteng datos mula sa emergency operation center at doctors’ organizations sa lungsod.

LATEST

LATEST

TRENDING