DOLE: OFW hospital sa Pampanga, matatapos sa 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Labor Secretary Silvestre Bello III

Ang ospital na ginawa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa San Fernando, Pampanga ay itinakdang matapos sa 2021, pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Itinakda itong makumpleto sa Abril 2021, subalit ang konstruksyon ng ₱1.3-bilyong pasilidad ay naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III,  nakaantala sa proyekto ang pagpapatupad ng quarantine protocols. Subalit, patuloy umano ang paggawa sa nasabing ospital.

Ang OFW hospital ay magkakaroon ng 200-bed capacity at diagnostic center, at magbibigay din ito ng libreng medical services para sa OFWs.

“It will render free services when OFWs are securing medical certificates covering laboratory exams and other requirements for their overseas deployment,” giit ni Bello.

LATEST

LATEST