DTI: Price cap para sa Covid-19 tests, nasa ‘final stages’ na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Duterte allows advance payments for COVID-19 vaccines

Papalapit na ang bansa sa pagtatakda ng presyo para sa Covid-19 vaccines, pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Huwebes.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nasa “final stages” na ang ahensya hinggil sa talakayanan nitokasama ang public stakeholders.

Aniya, “Nag-public stakeholders consultation tayo nung Monday, and then the stakeholders were given a deadline last Tuesday na mag-submit sila ng comments dun sa draft guidelines natin.” 

“We’re already consolidating these comments and in the final stages na. Ang final target talaga natin na mailabas ito is tomorrow,” dagdag pa ng opisyal.

Pagdating naman sa price range, sinabi ni Castelo na hindi ito tataas ng ₱6,000 sa bawat bakuna.

“Basta pag sinabi mong ₱6,000 sobrang mahal na niya… Should be 10% lower than ₱6,000” ani Castelo.

Samantala, unang sinabi naman ng Department of Health (DOH) na ang inisyal na gastos ng Covid-19 vaccines, na may -70 degrees Celsius storage requirement, ay tinatayang nalalapit sa P3 bilyon para saklawan ang 25 milyong katao.

Sumang-ayon naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa advance supply agreements at sa pagbabayad ng early payments sa Covid-19 vaccine manufacturers, sabi ng Malacañang.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, tinanggap ni Duterte ang panukala ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na lumahok sa advance market commitments sa mga private foreign developers at magbigay ng advance payments para matiyak na makakukuha ang Pilipinas ng bakuna kapag inaprubahan na ito para sa malawakang paggamit.

LATEST

LATEST

TRENDING