Galvez: PH, may 17 na posibleng mapagkukunan ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.

Sinabi ni National Task Force against Coronavirus Disease 2019 response chief implementer Carlito Galvez Jr. noong Martes na may 17 na posibleng sources ng bakuna kontra Covid-19 ang Pilipinas.

Ayon kay Galvez, 9 mula sa 17 ay kasalukuyang nasa Phase 3 trials, kung saan ine-evaluate ang resulta ng pagiging ligtas at epektibo ng mga bakuna mula sa Phase 1 at 2 trials.

“Sa (9) Phase 3 trials, tatlo po doon ang magkakaroon po ng trial dito po sa atin this coming December and January,” paliwanag nito.

Gayunpaman, hindi naman ibinunyag ni Galvez, na itinalagang vaccine czar, kung aling mga kumpanya ang magsasagawa ng trials sa Pilipinas.

Unang inanunsyo ng US-based pharmaceutical firms na Moderna Inc. at Pfizer na ang kanilang mga nagawang bakuna kontra Covid-19 ay mahigit 90 percent effective laban sa nakamamatay na sakit.

Binanggit din ni Galvez na nag-donate ang negosyanteng si Enrique Razon ng 300,000 doses ng initial coronavirus vaccines, habang ang BDO, Lucio Tan group of companies, San Miguel Corporation, at Go Negosyo ay nag-fund raising para maipambili ng mahigit 1 milyong doses.

“Hopefully, baka tataas pa ‘yun ng 1 to 2 million doses. Ido-donate po nila ‘yung 80 to 50 percent of the vaccine, atsaka ‘yung iba gagamitin sa kanilang poor essential workers. At no cost po sa’tin,” giit ni Galvez.

Unang sinabi ni Galvez ngayong buwan na pinaplano nilang magsagawa ng advance procurement sa tinatayang 24 milyong doses ng bakuna sa unang quarter ng 2021.

Umaasa ang vaccine czar na makabibili ang Pilipinas ng 30 hanggang 50 milyong doses sa susunod na taon.

Aniya, “Kapag nag-rollout ang ibang bansa, we can also have our own.”

Ang inisyal na batch ng mga bakuna ay ilalaan para sa mga frontliners, indigents, at bulnerableng sektor. Ang roll-out ay nakadepende nang malaki sa pondo, development, at approval ng mga bakuna.

LATEST

LATEST