“Babagsak po kayo”: Roque, nagbabala sa mga Ateneo students na nag-strike

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nagbabala si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga estudyante ng Ateneo de Manila na posible silang bumagsak sa kanilang requirements sa paaralan matapos magsagawa ang mga ito ng mass strike against laban sa umano’y “criminally neglectful response” ng pamahalaan para sa mga nagdaang bagyo kamakailan.

Nangako ang grupo ng mga mag-aaral, sa isang pahayag, na hindi sila magsusumite ng kahit anumang school requirements simula Nobyembre 18,  hanggang “matugunan ng national government ang hinanaing ng taumbayan para sa sapat na calamity aid at pandemic response.”

“Babagsak po kayo dahil bilang isang dating propesor, kahit anong dahilan ang sinasabi niyong strike, ‘pag di kayo sumunod sa academic requirements, mawawalan kayo ng kinabukasan, ‘di kayo makaka-graduate sa Ateneo,” giit ni Roque.

Ayon sa university student publication na The Guidon, 581 na mga estudyante ang pumirma sa nasabing deklarasyon noong Sabado.

“We believe that things cannot continue business as usual. We can no longer stomach the ever-rising number of deaths due to the state’s blatant incompetence. We cannot prioritize our schoolwork when our countrymen are suffering unnecessarily at the hands of those in power,” pahayag ng mga estudyante.

Dagdag pa, “We strike in solidarity with the students who are victims of calamities and of COVID-19, who cannot be expected to catch-up with their studies within 3 to 5 working days. From the beginning, no student should have been left behind.”

Sinabi rin ng grupo na maraming Ateneans ang lumahok sa typhoon response.

Aniya, “On top of their responsibilities, these students have gone the extra mile to help our fellow Filipinos.”

LATEST

LATEST