Robredo, nagpaabot ng tulong sa Cagayan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo
Larawan mula sa: Office of the Vice President

Binisita ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo ng umaga ang lalawigan ng Cagayan na nalubog dahil sa matinding pagbaha upang magpaabot ng tulong.

“We arrived Cagayan this morning. Our team arrived a few hours earlier with supplies. Situation is so much better. Many areas still flooded but water receded already,” ani Robredo sa isang tweet.

Sa isang video post sa kanyang Facebook account pasado 9 a.m., makikita si Robredo na dumaan sa Barangay Annafunan East sa Tuguegarao City, kung saan dito umano nanggaling ang maraming apela ng tulong na ipinadala sa kanyang tanggapan.

Aniya, “Kare-recede lang po ng tubig, kaya kung mapapansin natin, parang meron pa siyang residue. Maputik pa yung mga loob ng mga bahay. So makikita natin na naglilinis yung mga tao.”

Ayon kay Robredo, marami ang humihingi ng tubig at pagkain.

“Aasikasuhin natin ‘yan ngayong araw,” ani Robredo.

Isa ang pangalawang pangulo sa mga pinakaunang nakipag-coordinate ng response para sa lalawigan.

Samantala, 24 mula sa 28 munisipalidad at 1 lungsod ang nananatiling “underwater” sa Cagayan noong Linggo ng umaga, sabi naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Aniya, “Beyond Tuguegarao, mahihirapan po kayo makapasok kasi most are still underwater.”

“Ito po ay unprecedented flooding. Ang sabi dito sa Tuguegarao, the last time na nagkaroon sila ng ganito was 1975. That was 45 years ago,” dagdag pa ng gobernador. 

Giit nito, “Nakapag-prepare po kami, lahat ng klase ng preparasyon – preemptive evacuation, forced evacuation, prepositioning, information drive… Na-surprise din kami sa dami ng tubig na dumating dito sa’min.”

Umapela naman si Mamba sa pamahalaan at pribadong sektor ng pagkain at tubig para sa tinatayang nasa 294,000 na mga residenteng apektado ng pagbaha. Ubos na rin umano ang pondo ng lalawigan dahil sa mga nagdaang bagyo at sa Covid-19 pandemic.

“Water and ready-to-eat food. Marami pong di pa rin makapagluto,” wika ni Mamba.

LATEST

LATEST

TRENDING